misses my Tumblr :’> i’m blue for the past days. I just need peace of mind and heart. :3
I miss my B2… So much 😢If i can hold the hands of the clock i’ll bring it back, back to the old days that we’ve met. 💙 Forever Blue.
Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Pagdating mo sa aking buhay ay hindi inaasahan. Ito nga ba’y panghabangbuhay o sadyang panandalian lamang? Mga tanong sa aking isipa’y patuloy na nag-uunahan. Ikaw na nga ba ang sagot sa aking mga dasal? Aking natatanging pag-ibig na kay tagal sadyang nabalewala na lang. Ang tanging dalangin sa my kapal, ako’y gabayan sa aking muling pagmamahal.
Yung lalaking aayusin yung buhok mo para lang makita yung muka mo habang natutulog, yung lalaking yayakapin ka ndi lang para mkahawak sayo kundi para rin saluhin lahat ng lamig wag ka lang magkasipon :’> ohmy!
Ano kayang buhay meron sila? Kalye lang ang ngiging tahanan ng bawat isa sakanila. Kumakain lang ng tiratira ng mga taong hindi na alam kung saan ilalagay ang yaman nila. Sino nga ba ang my kasalanan. Gobyerno nga ba ang dapat sisihin sa pagkalugmok nila? O mismong sila ang dahilan ng paghihirap nila? Anong buhay lang ba ang meron sila? diba ang buhay lang sa kalye ang tanging ipagmamalaki nila? minsan ba’y naisip mong maswerte ka dahil binigyan ka ng maayos na buhay na pwede mong ipagmalaki sa iba? Ang pag kain ng tatlong beses o higit pa sa isang araw. Samantalang sila isang beses lang at kung minsa’y wala pa. Sila ang mga taong umaasa lang sa karampot na limos mo kaibigan. Hindi ba nahahabag ang iyong kalooban sa hirap na dinadanas nila? Maaaring hindi, dahil hindi mo naman ito nararanasan. ngunit hindi ba tumatagos saiyong puso ang kurot kapag nakikita mo silang palaboy laboy at ang iba’y wala na sa katinuan? Maaaring ang iba sakanila’y salat sa kaalaman dahil hindi sapat ang pang aral ng kanilang magulang, kaya ang naging resulta’y hindi kaaya aya sa ating kapaligiran. Hindi kaya’y mas masahol pa ang turing sa kanila kay mas pinipili nila ang tumira sa tabi ng kalsada? Kumilos ka kaibigan baka ikaw ang sagot sa kanilang paulit ulit na problema. Nasa iyong mga kamay ang buhay ng bawat isa sakanila. Kung ang mga may kaya ay nagsasawa na sa kanilang sobra sobra biyaya bakit hindi nila ito ipamahagi sa mga kapos palad nating mga kababayan ? ng hindi naman maaksaya sa walang silbing bagay ang kanilang kayamanan. sa ganitong paraan na-i-aangat natin sila kasabay ng pag angat ng ating dangal sa ating mga sarili at bayan
—reality check“Tulad ng larawang ito, tayo ay kukupas dn, ngunit kagaya naman ng baso at tubig na iyan ang ating pagmamahalan ndi mawawala kailan man.” —-M